Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » You’re My Religion
Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

Conversations with God II

$
0
0

Dear Papa Jesus, Di man obvious, pero in my insyd [balun-balunan, pati atay] excited na nga ako sa nalalapit kong church wedding kay BebeKo.  Kung sakali, ito pa lang ‘yung unang beses na parang hindi nasisilihan ang pwet ko pag-upo sa pewter.   Sori po kung gawain ko nung college ang tumakas sa first Friday mass pagkatapos magpacheck ng attendance kay Chaplain.  Mali kasi ‘yung reinforcement strategy ng mga religious schools.  Ang tendency ng mga bata ay magmatigas ng ulo.  Dapat reverse psychology na lang.  “Bawal pumasok sa simbahan, ang papasok, pipitikin ang titi hanggang mamaga”.  Sarap.  Saka paniwala ko kasi, malulusaw ako pag nabasa ako ng Holy Water.  Panay nga ilag ko eh na parang si Neo ng The Matrix.  Pero kahit pala may pagka-Gremlins ugali ko, hindi naman totoo ‘yun.   

Saka Papa Jesus, salamat nga pala at di mo ako binulag sa kajajakol ko.  Lam u na, raging testosterone boy at his sexual prime.  Ebri hour yata, pekpek lang talaga ang nasa isip ko lalo pa’t hot chic ‘yung titser kong galing UP nung pers year ko.  Grade A meaty packing sheet.  Sori po, expression lang.  Pero totoo po bang napamura kayo minsang may nahuli kayong nagsusugal sa bahay ng daddy mo?  Kung ako ‘yun, hahagisan ko sila ng labentador saka sinturon ni Hudas. 

Kahapon napadaan ako sa isang christian bookstore.  Narinig yata kitang bumulong ng “Welcome anak, matagal na kitang hinihintay” kaya tumambay muna ako.  Na-browse over ko ‘yung libro ni Helen Keller – ‘yung inspirational writer na nabulag pagkabata.  Siya pala ‘yung nagsabi ng “The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched.  They must be felt within the heart”.  Galing, nakaka-inspire talaga.  Pwede din po ba akong maging inspirasyon sa iba ng hindi nabubulag?  Pansin ko kasi ‘yung mga nagiging sikat na inspirational writer kung hindi bulag ay quadriplegic na nagpi-paint gamit ang crayola sa bibig.  Pero ikaw po, kung anuman ang balak mo sa ‘kin, sabi nga, thy will be done.  Kung gusto mo nga akong gawing mala-ET na uutal-utal, owkey lang.  Bahala na ang sangkatauhan na mag-translate kung anuman ang message mo.  “Kwek… kow… kwek-kwek”.  Hehe.  Hindi pala ganun.  Si Donald Duck pala ‘yun.  Okay lang ‘yung tunog ET para hindi obvious pag napapausal ako ng “Ngat nget mo” sa mga ayaw maligo.  Although ‘yung isang ngongo nagkakaintindihan kami.  “Ngat nget mo rin”, sabi sakin.  Hehe. 

Paynali nga, magiging legal na ang pagsasama namin ni BebeKo in the eyes of law and in yours.  Pina-block na namin ‘yung schedule sa simbahan.  Nagpalagay din kami ng choir for additional charge of 500 pesos.  Pede kayang mag-request ng song number dun na pamperya para mas masaya.  Joke onli. Kitakits po.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

Trending Articles