Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » You’re My Religion
Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

License To Wed

$
0
0

Civil wedding sana namin ni BebeKo nu’ng June sa probinsiya pero dahil nga childhood dreams niya ang maglakad pagong sa gitna ng simbahan, naging December para makapag-ipon ng maipapakain sa mga kung sinong ‘hu u ba?’ na iimbitahin.  Sabi ko nga baka pwede namang mag-packed lunch na lang ang mga bisita, ayaw ba naman.  Kung pwede lang naman. Haha.  Hirap magpakasal ngayon, di tulad nung panahon ni Eba saka Adan.  Lambutsingan to da max agad, wala nang rece-reception na nangyari.  Ang handa nga lang nila ay isang epol na naging mitsa pa ng pagiging makasalanan ng mundo [at di ko pa din makuha ang logic na naging makasalanan ang bilyon-bilyong tao dahil sa pagkagat sa epol na ‘yan].  

Pero kahit sabihin pang conservative ang Pilipins, nire-recognize ng ating batas ang pagiging natural na malibog ng mga Pinoy.  In pak, Article 34 ng Family Code of the Philippines, ang pagsasama ni lalake at babae as live in pakners for a minimum of 5 years ay ground for exemption para kumuha ng marriage license bago magpakasal.  In short, di na kelangan ng lisensiya para maikasal.  Sayang, dapat no’n pa lang nag-living together na kami para nakasama sa exemption.  Ang ganitong pagpapakasal ay tinatawag na ‘ratification by marital cohabitation’. May natira pa palang latak ng istak knowledge kahit papaano ‘yung pag-aaral ko ng abogasya no’ng nakaraang taon.    

Sa Muntinlupa na kami nag-apply ng lisensiya sa kasal.  May kasamang seminar pa ‘yun.  Eksaktong bagong sunog ang cityhall kaya dun kami malapit sa bangketa ng palengke kina-counselling.  Habang inihahanda kami ng mga marriage counsellors sa buhay may asawa, may sumisigaw ng ‘Kangkong! Kangkong kayo diyan.  Limang piso lang’.  Kala ko kangkang, papakyawin ko na sana. Haha. Pansin ko parang mga abnoy na frustrated comedians ‘yung mga marriage counsellors.  ‘Yung una isang government employee, anlakas manlait ng mga nagseseminar [nakatsinelas kasi ‘yung iba, tapos ‘yung iba buntis na]. ‘Yung pastor naman, nag-ooffer ng catering package.  Napaka-profound nga ng natutunan ko dun.  ‘Yung nars naman nagturo kung paano magsuot ng condom.  Watda. Ineexpek ko sana ‘yung medyo mahirap naman.  Halimbawa, tuturuan ‘yung mga babae pano isuot yung condom kay mister gamit ang pilikmata.  Mga ganun.

Pagkatapos nun, mga papers naman sa simbahan ang inasikaso namin ni BebeKo.  Tatlo ang magiging pari namin sa kasal.  Si Archbishop, si Fr. Rannie na dean ng San Beda college of law na isa din sa outstanding philosophers of the century at saka isang kamag-anak na pari.  Di ko na kinulit si BebeKo kung bakit kelangang tatlo, para di halatang engot ako sa religious churba churba.  Inisip ko, baka siguro mas malakas ang signal ng prayers pag tatlo ang pari.  ‘Wow!  Three bars, anlinaw nga’, baka mapatalon pa si San Pedro sa tuwa.  Nung pinuntahan namin si Archbishop para kuning pari sa kasal, medyo nakangiwi ako.  Baka kasi maalala nya ako at ‘yung kalokohan ko nung college.  Curious lang naman ako e.  Kasama si pareng Ice, tinanong ko si Archbishop ng, ‘Monsignor, nakakaramdam din ba kayo ng makamundong pagnanasa?  Anong ginagawa nyo pag ganun?’ [read:  Monsignor, pag nakakita kayo ng seksi, nagtitikol din ba kayo?] na sinagot naman ni Archbishop ng ‘Syempre naman.  Tao din kami’.  Pagkatapos nun, hindi na kami muling pinaapak sa Archbishop’s Palace. 

Pero mabait talaga si papa Jesus.  Sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay, binigyan pa nya ako ng mabait na BebeKo – my soulmate, bespren forever, saka wrestling partner.  Papa Jesus, I owe you much.  Pramis, magpapakabait nako.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

Trending Articles